FPRRD, pabor sa posisyong walang ‘peace talks’ sa CTGs

FPRRD, pabor sa posisyong walang ‘peace talks’ sa CTGs

SANG-ayon si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sa posisyong hindi magkaroon ng peace talks ang pamahalaan sa teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

“I agree with Gibo Teodoro,” pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Tama lang walang peace talks sa komunistang teroristang grupong Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democractic Front (CPP-NPA-NDF).

Ito ang naging pahayag ni dating Pangulong Duterte sa kaniyang programang “Gikan sa Masa Para sa Masa” kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy nitong Hunyo 12.

Ito’y kasunod ng paninindigan ni Defense Secretary Gibo Teodoro sa isyu ng peace negotiations sa mga komunistang teroristang grupo.

Ayon sa dating Pangulo, sa tagal niyang nakipag-usap sa nasabing teroristang grupo simula pa ng kaniyang pagiging alkalde ng Davao City, napagtanto nitong walang patutunguhan ang peace talks.

“With all the frustrations I ended up mayor here. For 21 years I had been talking with them. I had been with them,” pahayag ni dating Pangulong Duterte.

Pakikipag-usap noon kay Joma Sison at CPP-NPA-NDF, walang nangyari—FPRRD

“It ended up with a total collapse of the talks because at the end of the day, after na plantsa na namin itong sa baba, ang obstacle ko kay Sison….walang nangyari. Ayaw talaga,” dagdag ni FPRRD.

Binigyang-diin pa ng dating Pangulo na kung titingnan mabuti ang isinusulong na peace talks noon ng CPP-NPA-NDF, ito’y mauuwi sa isang coalition government.

“Maraming usapan, usapin namin noon, mga usapin namin na hindi natuloy kasi because of his, mataas masyado ang hinihingi niya on the government side na, if you really come to think of it seriously, study it carefully, it will amount to coalition government,” giit ni FPRRD.

Dagdag pa ni Duterte, kailanman ay hindi siya lalagpas sa kapangyarihang ibinigay sa kaniya ng taumbayan.

“I cannot give concessions which is beyond my power. And if I go over the limit, it will anger, precipitate the resentment from the military. Sobra rin kasi… In a very negative way,” aniya pa.

Matatandaang una nang ideneklara ng dating Pangulo, noong Nobyembre 23, 2017, sa pamamagitan ng Proclamation No. 360 ang pagwawakas ng peace talks sa teroristang grupo.

At noong 2018 naman ay pinirmahan ang Executive Order No. 70 na bumuo sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

At sa kasunod na taon, permanente nang tinapos ang peace talks sa CPP-NPA-NDF at pinalakas ang localized peace engagements.

Follow SMNI NEWS in Twitter