FPRRD, sinupalpal si dating SC Justice Carpio kaugnay sa isyu ng WPS

FPRRD, sinupalpal si dating SC Justice Carpio kaugnay sa isyu ng WPS

SINUPALPAL ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isang dating Supreme Court (SC) Justice na nagbigay ng rekomendasyon sa Marcos administration na dalhin ang isyu ng umano’y bullying ng China sa West Philippine Sea (WPS).

“He’s all been mouthing about America. Alam mo Carpio, pahiramin kita ng pang-boat. Mayroon ako sa Davao. Bigyan kita ng gasolina hanggang makaabot ka ng [West Philippine Sea]. Pumunta ka lang diyan sa South China Sea,” ayon kay dating Pangulong Duterte.

Ito ang naging banat ni dating Pangulong Duterte kay retired SC Senior Associate Justice Antonio Carpio dahil sa kagustuhan nitong dalhin sa United Nations General Assembly (UNGA) ang isyu ng umano’y panggigipit ng China sa WPS, at nang tumalima ang Beijing sa 2016 Arbitral Ruling.

Sa programang “Gikan sa Masa, Para sa Masa” nitong Lunes kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy, inihayag ni Duterte na wala namang saysay ang UNGA at puro daldal lang aniya si Carpio.

“Bringing it to the United Nations, may nagawa ba ang… point out to me, a trouble or a contentious event that was really, with the intervention of the United States, that makes things look better. Wala naman itong United Nations, pinaka inutil ‘to hanggang puro file lang ‘yan.”

“Itong si Carpio, sa Supreme Court pa siya, tapos sa Supreme Court pa siya daldal ka nang daldal; hanggang ngayon daldal ka nang daldal,” ani Duterte.

Isa si Carpio sa mga nakilalang lumaban sa China dahil umano’y pang-aangkin nito sa WPS.

Ngunit diin pa ng dating Pangulo, sa kaniyang administrasyon, iniisip lamang niya ang kapakanan ng bansa sa usaping WPS lalo na hindi niya hahayaang maipit sa giyera ang Pilipinas.

“You are nothing and all your mouthing about China. Ako, sabihin mo pro-China. Alam ng China ‘yan, alam ng ambassador, kaya ko pinapatawag ‘yang ambassador nila. Hindi na ako presidente, always I want to be posted on what is happening. Why? Because I am afraid of war. War against whom? Itong America pati sila, sabi ko, kung magkamali kayo. Sabi niya, you correct. We will always bomb your country because of the… prangka-prangkahan kami. Sabi ko hindi man kami mag-abot ambassador, pero kung wala na akong magantihan ikaw na lang talaga ang hihiritan ko dito ‘pag ka naiwan ka,” ayon sa dating Pangulo.

FPRRD, pinuri ang China sa tulong nito sa Pilipinas; Ugnayan sa Amerika, laging may kapalit

Ipinagmalaki naman ni Duterte na naging kaibigan niya ang China dahil na rin sa tulong nito sa bansa, taliwas naman sa ginawa ng Amerika.

“I am a friend of China kasi marami silang binigay. Tignan mo, ano ‘yung binigay sa atin, ‘yung tulay ‘dyan sa Binondo. Ang ganda-ganda niyan ni isang pako, wala tayong binigay sa China. Binigyan tayo ng bridge, pinangakuan tayo, nandiyan kaagad.  America? Susmaryosep, binigyan tayo? Anong bigay? Bayad tayo,” aniya.

Kamakailan lamang ay biniyan ng pagkilala si Duterte ng Award for Promoting Philippines-China Understanding (APPCU) dahil sa napakalaking ambag nito upang mapagtibay ang relasyon ng dalawang bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter