ISASAALANG-alang ng gobyerno ang mga umiiral na batas sa pagtanggap ng refugees.
Ito ang iginiit ni Defense Secretary Gilbert Teodoro matapos hilingin ng Estados Unidos na makapasok sa bansa ng libu-libong Afghan refugees.
Ayon kay Teodoro, hindi “humanitarian considerations” ang magiging basehan ng gobyerno, kundi ang usaping legal sa pagtanggap ng refugees.
Hinihintay pa aniya ng kagawaran ang opinyon ng Department of Justice (DOJ) sa nasabing usapin.
Binigyang-diin ni Teodoro na sakaling labag sa batas ng bansa ang pagtanggap ng refugees ay wala nang dapat pag-usapan.