Franchise Asia Philippines Expo, pormal nang binuksan

Franchise Asia Philippines Expo, pormal nang binuksan

PORMAL nang binuksan ngayong araw ang Franchise Asia Philippines Expo sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Inorganisa ng Philippine Franchise Association (PFA) ang nasabing event na tatagal mula Oktubre 14-16.

Sinabi ni PFA Chairman Sherill Ramos Quintana na ang franchising ay pinakamainam na opsyon para magsimula ng negosyo lalo na sa panahong ito.

Samantala, inaasahan namang makakaakit pa ng napakaraming indibidwal at mag-uudyok ng paglikha ng mga oportunidad sa negosyo at trabaho para sa mga Pilipino.

Nasa 500 local at foreign franchisers ang kalahok sa naturang 3-day International Franchise Expo.

Follow SMNI NEWS in Twitter