Fuel subsidy sa mga pampublikong transportasyon, pinag-aaralan ng DOTr

Fuel subsidy sa mga pampublikong transportasyon, pinag-aaralan ng DOTr

ISINASAPINAL na lang ng Transportation Department ang planong rollout muli ng fuel subsidy sa lahat ng mga pampublikong transportasyon sa bansa.

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Mark Steven Pastor nasa P3 bilyong ang nakalaang pondo para sa naturang programa.

Inaantay na lamang kung kelan maaaring simulan ang distribusyon ng subsidiya para sa mga tsuper na benipisyaryo gaya noong nakaraang taon.

Base kasi sa probisyon ng 2023 General Appropriations Act, nakasaad na maaari lamang ilabas ang fuel subsidy kung may 3 buwan nang umabot o lumampas sa $80 per barrel ang Dubai crude oil price base sa Mean of Platts Singapore (MOPS).

Sa datos ng ahensya Oktubre at Nobyembre 2022 ay umabot sa $80 barrel ang MOPS habang nitong Enero 2023 ay lumagpas pa sa $81 MOPS.

Dagdag ni Pastor, tinitimbang na lang kung ang naturang numero ay magiging basehan na para masimulan ang pamamahagi ng fuel subsidy lalo’t epektibo ngayon Martes ang taas-presyo sa produktong petrolyo.

Kasama ring pinag-aaralan ng DOTr na gawing dalawang tranche ang bigayan ng fuel subsidy imbes na bagsakan. pampublikong transportasyon

Follow SMNI NEWS in Twitter