PINAGHAHANDAAN na nang pamahalaan ang full implementation ng national ID system alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinaghahanda na ng palasyo ang mga ahensya ng gobyerno para sa pagpapatupad ng full implementation ng national ID system sa bansa.
Kabilang na rito ang mga Local Government Units (LGU), ayon sa naging kautusan ni Pangulong Duterte sa ilalim ng memorandum cicular 95 na inilabas ni Excutive Secretary Salvador Medialdea nito lamang Febuary 8.
Ang Philippine Identification o Philsys ay magsisilbing database para sa mga citizens at resident aliens ng bansa.
Ang implementasyong ito ay inaasahang makatutulong sa tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo at pagpapaganda sa efficiency, transparency at targeted delivery public social service.
Mas mapapabuti rin nito ang pamamahala ng gobyerno na magdudulot ng pagbawas sa umiiral na korapsyon gaya ng pagharang sa mga iligal na transaksyon.
Magpapalakas din ito sa kita ng mga serbisyo at produkto mapa-indibidwal o negosyo sa bansa.
Sa nasabing memo, nakasaad ang derekta at agarang aksyon ng pamahalaan sa paggawa ng mga hakbang o preparatory steps upang matiyak ang pagsasaayos ng Philsys at ang mga nilalaman nitong proseso, data base, systems at services sa lahat ng ahensya ng gobyerno para sa mas madali at kapaki-pakinabang na transaksyon dito ng publiko.
Nakasaad naman na hindi na saklaw ng Philsys integration ang pagbibigay ng access sa mga ahensya sa Philsys registry.