MATAGUMPAY ang gallbladder operation ng actress na si Danica Sotto.
Sa kaniyang social media post, ibinahagi ni Danica ang kaniyang larawan dalawang araw matapos ang surgery.
Sa caption, naging smooth at successful aniya ang procedure sabay pasasalamat sa Panginoon para dito.
Hindi na idinetalye pa ni Danica kung ano ang dahilan kung bakit kinakailangan nito ang pagsailalim sa isang gallbladder operation.