Gatchalian, babawiin ang isinampang cyberlibel case vs Cusi

Gatchalian, babawiin ang isinampang cyberlibel case vs Cusi

INILAHAD ni Sen. Win Gatchalian na kaniya nang i-aatras o babawiin ang lahat ng kaniyang mga isinampang kaso laban kay dating Energy Secretary Alfonso Cusi.

Si Cusi ay una nang sinampahan ng kasong kriminal at civil cyberlibel ni Gatchalian dahil sa akusasyon ng dating kalihim na nagagamnit ang mga pagdinig sa Senado na pinangungunahan ni Gatchalian para patalsikin siya sa puwesto sa panahon ng kaniyang panunungkulan sa Department of Energy (DOE).

“We will withdraw the libel case. That is the agreement and both criminal and civil cyberlibel case,” ayon kay Sen. Win Gatchalian.

Ang pahayag ni Gatchalian ay kasunod ng ginawang apology ni Cusi na nilabas sa ilang pahayagan.

“I had been informed that Senator Sherwin T. Gatchalian was hurt and offended by certain portions of my statements which led him to file a cyber-libel case against me… In issuing these statements, I had no intention of accusing Senator Gatchalian of any crime, vice or defect, or of dishonoring his reputation. I tried to merely express my opinion on the conduct of the proceedings as I could reasonably infer from what I personally observed and experienced,” saad ni Alfonso Cusi, former DOE Secretary.

Bahagi ng pahayag ni Cusi ay sinabi nito na wala siyang intensiyon na akusahan ang mambabatas ng kung anumang krimen o ipahiya ito.

Ipinunto ng dating kalihim ang kaniyang nasabi noon ay tanging opinyon niya lamang.

Ani Gatchalian, kaniya namang tinanggap ang pag sorry ni Cusi at siya ay umaasa na sana ang pangyayari ay maging aral sa lahat ng mga lingkod bayan.

“First of all, I accept his apology. And this will be a lesson to all public servants, including myself. Alam mo marami sa atin pinoprotektahan ‘yung pangalan natin, inaalagaan ‘yung pangalan natin at hindi tama at irresponsible na mag-aakusa ka ng isang public servant nang wala kang basehan,” ani Gatchalian.

Follow SMNI NEWS on Twitter