INIHAYAG ni suspended BuCor Chief Director General Bantag na hindi ito dadalo sa unang araw ng preliminary investigation bukas, araw ng Miyerkules sa harap ng Panel of Prosecutors.
Ito may kinalaman sa magkahiwalay na murder complaints na inihain laban sa kaniya dahil sa pagkamatay ni Percy Lapid at Jun Villamor.
Ayon kay Bantag sa mensaheng ipinadala nito sa SMNI News, susunod siya sa payo ng kaniyang mga abogado na huwag daluhan ang preliminary investigation, ito ay kahit gusto niyang personal na humarap mismo sa imbestigasyon.
Base aniya sa kaniyang mga abogado, maaari naman daw na ang mga ito na lamang ang haharap sa panel.
Isa sa mga tumatayong abogado ni Bantag ay si Atty. Rocky Thomas Balisong na una nang nagpasabi na ia-assess muna nila ang magiging sitwasyon bago nila isasama sa preliminary ang kanilang kliyente.
Maliban bukas, Nobyembre 23 ay magkakaroon din ng preliminary investigation ang panel sa Disyembre 5.