IKATUTUWA at kaiinggitan ng mga Filipino blinks ang aktres na si Liza Soberano dahil bukod sa nakapanood ito ng concert ng world’s biggest girl group na Blackpink sa Los Angeles ay nagkaroon din ito ng interaksyon sa mga members nitong sina Lisa at Jennie.
Ibinahagi ng self-confessed superfan na si Soberano ang naging experience nito sa concert ng Blackpink sa kanyang Instagram stories.
Bukod dito ay nag-post din ang aktres ng larawan nito kasama ang It Girl ng grupong si Jennie sa kanyang Instagram account kung saan nakalikom na ito ng higit 1 million and one hundred thousand likes.
Matagal nang vocal ang aktres para sa kanyang pagmamahal sa girl group at sa buong K-Pop at matatandaan na may ginawa pa itong vlog kung saan ginaya nito si Jennie sa “How You Like That” music video nito noong July 2020.