INARESTO ng Russia-Domestic Security Agency ang isang German national matapos pinaniniwalaang nagpaplano itong isabotahe ang kanilang energy facilities.
Sa ulat na natanggap ng Russian Federal Security Service, ang utos ay nagmumula pa sa isang Ukrainian national na nakatira sa Germany.
Sa ngayon ay hindi pa nila matukoy kung paano rin nagkaroon ng Russian citizenship ang naturang German national o paano ito nagkaroon ng visa para makapasok sa kanilang bansa.
Wala pang komento ang German authorities hinggil sa isyu.