NAGKASUNDO ang Pilipinas at Germany na magtutulungan hinggil sa intel sharing.
Ito’y upang mas mapabuti ang pagtugon ng Pilipinas laban sa information warfare.
Partikular na interesado ang Pilipinas na matutunan kung paano tinutugunan ng militar ng Germany ang mga banta sa kanilang cyber at information space.
Samantala, ninanais din ng Germany at Italy na makapagbigay ng kauna-unahang submarine sa Pilipinas sa ilalim ng modernization program ng militar.
Partikular na ibibigay ang U212 NFS submarine na mahirap matukoy kahit gumamit ng sonar o radar dahil sa mababa nitong acoustic, magnetic, at visual signature.
Mas ligtas itong gamitin sa mga operasyon dahil hindi ito madaling makita ng kaaway.