NAGSAGAWA ang Police Regional Office (PRO) 5 ng gift-giving activity sa Camalig, Albay.
Ito ay sa pangunguna ni PRO 5 regional director Police Brigadier General Rudolph Dimas kasama ang kanilang mga tauhan.
Nasa 10 persons with disability (PWD) ang nabigyan ng wheelchairs at grocery packs.
Ayon kay Dimas, ang nasabing inisyatiba ay kaakibat ng peace at security framework ni PNP chief police General Rodolfo Azurin Jr. partikular na ang “Malasakit” Program na layuning mapatatag ang ugnayan ng lahat ng sektor sa komunidad.
Layunin din ng aktibidad na maipadama sa mga kababayan nating nangangailangan ang diwa ng Kapaskuhan sa gitna ng pandemya.