MAAYOS na naisagawa ang gift giving activity ng lokal na pamahalaan ng Rizal, Cagayan katuwang ang 17th Infantry Battalion Charlie Company, PNP, at BFP Rizal.
Layunin ng nasabing hakbang na mag-abot ng tulong sa mga mamamayan para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
Na walang ibang makatutulong sa mga suliraning kanilang nararanasan kundi ang pamahalaan at hindi ang mga teroristang grupo tulad ng CPP-NPA.
Sa nasabing aktibidad, aabot sa 175 pamilya ang nabigyan ng food packs na pinangunahan ng LGU Rizal, MDRRMO at ng kasundaluhan.