Senado, nakikiramay sa pagpanaw ni Mike Enriquez

Senado, nakikiramay sa pagpanaw ni Mike Enriquez

PINAGTIBAY ng Senado ang isang resolusyon na nagpapahayag ng pakikiramay sa pagpanaw ng beteranong broadcast journalist na si Miguel “Mike” Castro Enriquez, sa sesyon ng plenaryo, araw ng Miyerkules, Setyembre 6, 2023.

Pinagtibay ng mga miyembro ng Upper Chamber ang Senate Resolution No. (SRN) 770 (Adopted Resolution No. 88), na ipinakilala ni Senator Jinggoy Ejercito Estrada.

Isinasaalang-alang nito ang SRNs 774, 775, at 781, na nagpaparangal kay Enriquez para sa kaniyang mga kontribusyon sa pamamahayag sa Pilipinas at mass media.

Si Enriquez, na pumanaw noong Agosto 29, 2023, sa edad na 71, ay sumali sa broadcasting industry noong 1969 at naging isa sa mga pinagkakatiwalaang personalidad sa balita at mga haligi ng pagsasahimpapawid sa Pilipinas sa loob ng 54 na taon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble