Gilas Pilipinas, ‘di muna magpapa-pressure sa 2023 FIBA World Cup

Gilas Pilipinas, ‘di muna magpapa-pressure sa 2023 FIBA World Cup

ITUTUON muna ng Gilas Pilipinas ang kanilang atensiyon sa nalalapit nilang laro sa 32nd Southeast Asian Games.

Pahayag ito ni Gilas Coach Chot Reyes matapos ang final draw sa 2023 FIBA World Cup nitong Sabado kung saan makasasama ng Pilipinas sa Group A ang Italy, Dominican Republic at Angola.

Sa ngayon, naka-close door training na ang Gilas sa Calamba Laguna bago magtungo sa Phnom Penh, Cambodia sa May 6.

Sa May 9 naman ang unang laro ng Gilas sa SEA Games kung saan makakalaban nito ang Malaysia.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter