Gilas women’s, bigong masungkit ang panalo vs. New Zealand sa 2023 FIBA 3×3 Asia Cup

Gilas women’s, bigong masungkit ang panalo vs. New Zealand sa 2023 FIBA 3×3 Asia Cup

BIGONG makuha ang panalo ng Gilas Pilipinas 3×3 women’s team kontra sa New Zealand, sa iskor na 17-10 sa 2023 FIBA 3×3 Asia Cup sa Singapore Sports Hub OCBC Square.

Sa unang yugto ng laro ay nangunguna ang PH teams subalit tumiklop din kalaunan tungo sa kabiguan sa knockout quarterfinals.

Lumamang pa ang Gilas, 7-5, bago uminit ang New Zealand upang agawin ang manibela sa 11-7.

Bagamat sinubukang humabol ng Gilas sa 10-11, bumulusok pa lalo ang tall ferns sakay ng 6-0 run tungo sa tagumpay.

Sa kabila nito, ay nagsilbing inspirasyon din ito para sa malaking improvement sa mga bata ni Coach Pat Aquino matapos maagang malaglag sa qualifying draw.

Naibawi rin ng Gilas women’s kahit paano ang biglaang early exit sa pool phase pa lang ng men’s team nina Almond Vosotros, Brandon Bates, Samboy de Leon at Jorey Napoles.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter