Gilas Girls, wagi kontra Thailand sa pagbubukas ng FIBA U18 Women’s Asian Championship

Gilas Girls, wagi kontra Thailand sa pagbubukas ng FIBA U18 Women’s Asian Championship

SINIMULAN ng Gilas Girls sa panalo ang kampanya nito sa Division B ng FIBA U18 Women’s Asian Championship matapos nitong padapain ang Thailand sa Bengaluru, India na nagtapos sa iskor na 65-50.

Pinangunahan ni Kate Colyn Bobadilla ang panalo ng Gilas Girls na nakapagtala ng 22 points at 4 steals.

Nakapagbigay si Camille Nolasco ng 3-pointer shot sa dulong bahagi ng ikatlong quarter na nakapagbigay sa Gilas Girls ng maliit na lamang na 43-38.

Matapos ang third quarter ay tuluyan nang lumaki ang kalamangan ng Gilas Girls upang talunin si Bobadilla.

Ayon naman kay coach veteran mentor Patrick Aquino, nakatakdang kaharapin ng Gilas Girls ang Samoa ngayong araw.

Follow SMNI NEWS in Twitter