Go Negosyo at DepEd magkatuwang sa programang Pampaaralang Taniman ng mga Agribida

Go Negosyo at DepEd magkatuwang sa programang Pampaaralang Taniman ng mga Agribida

NAGKAROON ng presentasyon ng programa sa Department of Education (DepEd) na Pampaaralang Taniman ng mga Agribida (Garden-to-Table School Business Model) katuwang ang Go Negosyo na inilunsad noong nakaraang linggo sa Bayugan City, Agusan del Sur.

Kaugnay nito ay nagpapasalamat si Vice President Sara Duterte sa DepEd Caraga na unang tumanggap ng hamon na ipatupad ang programang ito.

Sa naturang programa ng DepEd ay natuturuan ang mga kabataan sa loob at labas ng paaralan na linangin at pagyamanin ang kanilang pag-unawa sa kahalagahan ng agrikultura, pagpapahalaga sa kalikasan, diskarte sa negosyo, at pagkakakitaan, at kung paano ito magpapaunlad ng kanilang mga komunidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble