SA pagdiwang ng ika-169 Bohol Day ay hatid ng ika-27 gobernador ng Bohol ang kaniyang unang State of the Province Address (SOPA) kung saan iniulat niya ang mga katagumpayan at mga hamon sa ilalim ng kaniyang administrasyon sa lalawigan.
Tinalakay ni Governor Erico “Aris” Aumentado kung ano ang naabot ng kaniyang administrasyon sa kaniyang unang taon bilang gobernador ng probinsya sa kaniyang unang SOPA na ginanap sa Bohol Cultural Center.
Binanggit ni Gov. Aumentado ang mga natapos at mga nagpapatuloy na proyekto, programa, at plano na naihatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bohol (PGBH) alinsunod sa strategic change agenda, mula sa agrikultura, imprastraktura, turismo, at iba pang sektor.
Bungad ni Aumentado sa kaniyang SOPA ang unang pananaw ng kaniyang ama na dating gobernador ng lalawigan na si Erico Boyles Aumentado.
Ang isang lalawigan na magiging malaya sa kapit ng kahirapan, isang lalawigan na may sapat na kuryente, tubig, irigasyon, at imprastraktura para sa mga mamamayan nito, at isang lalawigan na may big-tcket projects upang matiyak ang patuloy na pag-unlad nito para sa mga susunod na henerasyon.
At ngayon siya ay nasa posisyon na upang magpatuloy sa pagseserbisyo tungo sa pananaw na iyon ng kaniyang ama.
“I am now in a position to continue working towards that vision. When destiny brought me to this path last year, I ran my campaign on the message: Limpyong Pang-Gobierno, Unahon ang Bol-anon. And two of the pillars of my 10-point reform agenda are power and water,” pahayag ni Gov. Aris Aumentado, Bohol Governor.
Matatandaan na bago pa maupo bilang gobernador si Aumentado ng nakaraang taon, ang ekonomiya ng Bohol ay bumagsak dahil sa COVID-19 pandemic at pinalala pa ng Super Typhoon Odette dahilan para ang mga proyekto ay maantala.
Ngunit makalipas ang isang taon, ipinagmamalaki ng gobernador na mabanggit ang ilang mga tagumpay na nakamit ng probinsiya sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Isa sa mga highlight ng kaniyang presentasyon ay kasama ang Bohol Island naitalaga bilang isang UNESCO Global Geopark.
“One year on, we are proud to cite several breakthroughs: for the first time, sand and gravel quarry fee collections have breached the P35 million mark, because there is no more ivan. For the first time, national retail giants and shopping malls are finally coming to Bohol, kini nagpakita sa ilang pagsalig sa atong administrasyon. For the first time, we have disbanded the shadowy procurement unit and more suppliers are submitting their bids, again underscoring their trust in our governance,” dagdag ni Aumentado.
“On the bright side, mega projects were in the pipeline. Bohol was aspiring to become a global geopark. And the Boholanos were hopeful that things would be better,” aniya.
Sinimulan ni Aumentado ang kaniyang termino sa isang malinaw na road map na itinatag sa kaniyang 10-point reform agenda.
Sa suporta ng Sangguniang Panlalawigan at ng Management Executive Board, natukoy ang isang estratehikong posisyon para sa Bohol: isang smart-resilient province advancing climate smart agriculture and sustainable tourism.
Ang development agenda ni Aumentado ay ganap na sumusuporta sa Philippine Development Plan and Strategic Framework, ayon sa ipinag-utos ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
“Our strategic change agenda are the following: 1. Environmental sustainability 2. Climate-smart agriculture 3. Sustainable tourism 4. Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) and entrepreneurship 5. Human capital and workforce development 6. Governance reform 7. Infrastructure and utilities 8. Health and social services 9. Information and Communications Technology (ICT),” ani Aumentado.
Tinugunan din ng gobernador ang mga pangunahing isyu na kinakaharap ngayon ng probinsiya, tulad ng mataas na presyo ng isda at problema sa ilegal na droga sa lalawigan, at kung paano ito haharapin ng kaniyang administrasyon sa mga susunod na taon.
Pinasalamatan ni Aumentado ang mga Boholano sa kanilang walang patid na suporta at pagtitiwala sa pamahalaang panlalawigan.