NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Laguna Governor Ramil Hernandez.
Sumasailalim ito ngayon sa home quarantine matapos niyang makuha ang positive result noong Sabado.
Samantala, mild symptoms lamang ang nararanasan ng gobernador.
Nangako rin si Hernandez na patuloy itong magtatrabaho habang nagpapagaling sa bahay.
Humihiling ngayon ang opisyal ng panalangin para sa kanyang agarang paggaling at hinikayat ang iba na magpabakuna.