Gov’t panel sa Japan, nais na makiisa ang publiko sa pagbabayad para palakasin ang depensa ng bansa

Gov’t panel sa Japan, nais na makiisa ang publiko sa pagbabayad para palakasin ang depensa ng bansa

NAIS ng isang government panel sa Japan na makiisa ang publiko sa pagbabayad para palakasin ang depensa ng bansa.

Sa isang proposal na isinumite kay Prime Minister Fumio Kishida, inihayag ng panel na ito na bawasan na rin ang gastos ng gobyerno upang makatulong sa pagsuporta sa defense cost sa gitna ng lumalalang pagsubok sa seguridad sa bansa.

Dahil dito, nakatakdang palakasin ng administrasyon ni kishida tatlong mahahalagang defense documents sa katapusan ng taon.

Nakatakda namang i-compile ng gobyerno ang inisyal na budget sa susunod sa buwan para sa fiscal 0223 hanggang Marso 2024.

Ang pag-update ng mga dokumentong ito ay kasunod ng pinaigting na military activities sa Indo-Pacific region.

Follow SMNI NEWS in Twitter