UMAASA ang Department of Transportation (DOTr) na maisagawa na nila ngayong Disyembre ang groundbreaking ceremony para sa Taguig City Integrated Terminal Exchange (TCITX).
Ayon sa DOTr, kung magagawa at matatapos na ang TCITX, magkakaroon ito ng centralized ticketing area at passenger concourse.
Magkakaroon din ito ng pedestrian walkway papuntang Philippine National FTI Station at sa ginagawang Metro Manila Subway System.
Tinatayang nagkakahalaga ng P5.20B ang proyektong ito.