BUMIYAHE na ang 10 miyembro ng unang grupo ng Hongkongers papuntang Hokkaido Japan.
Sa loob ng mahigit 2 taon na paghihintay ay muling nakalipad ang 10 miyembro ng Hongkongers papuntang Japan na nagkakahalaga ng 20,000 HK dollars bawat isa.
Ang grupo ay mula sa travel agency na EGL Tours.
Sa halagang 19,999 HKD ay madadala na ang mga ito sa Hokkaido, Flower Fields sa Furano, Otaru at Tokyo kasama na rin ang bayad sa quarantine hotel pagbalik ng mga ito.
Ang 10 Hongkongers na manlalakbay ay makatatangap ng sertipiko ng “unang grupong manlalakbay galing Hong Kong papuntang Japan” na nilagdaan ni Huen Consul-General ng Japan sa Hong Kong Okada Kenichi at isang kinatawan ng All Nippon Airways
Sinabi ng executive director ng EGL Tour na si Steve Huen Kwok-Chuen na ang byaheng ito ay isang pampalakas ng kumpiyansa para sa industriya ng turismo.
Nanawagan din ito sa gobyerno na luwagan ang 7 araw ng mandatoryong quarantine sa hotel upang mas lalong maakit ang mas maraming tao.
Samantala, isa pang tour group ang aalis sa Biyernes kasama ang 15 miyembro at 4 pang grupong aalis sa susunod na buwan.
BASAHIN: South Korea, ibabalik na ang visa-free entry ng Hongkongers simula sa Hulyo