TATLO pang regional airports sa Japan ang magbubukas ng international flights sa Hulyo kasabay ng pagluluwag ng bansa sa COVID-19 border controls nito.
Kabilang rito ang paliparan sa Sendai, Hiroshima at Takamatsu.
Ang mga ito ay bilang karagdagan sa mga flight na lumalapag sa Naha at New Chitose na gateway naman para sa mga sikat na tourist spot sa Okinawa at Hokkaido.
Samantala, maraming international hub sa bansa ang tumatanggap na rin ng flights mula sa abroad kabilang ang Narita, Haneda at Kansai.
Matatandaan na binuksan na ng Japan ang bansa nito para sa mga dayuhang turista sa ilalim ng packaged tours.
Sa kabila nito nananatili naman ang arrival cap ng bansa sa 20 libong katao kabilang na rito ang Japanese citizens.