NAGPAPATULOY ang tagumpay ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paglaban sa Communist Terrorist Group (CTG) sa bansa.
Ayon kay Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr., mula 89 guerilla fronts noong Hulyo 2019, bumaba na lamang ito sa 5 guerilla fronts matapos mabuwag ang 75 percent ng guerilla fronts sa buong bansa.
Mula Hulyo 2016 hanggang Setyembre 26, 2022, 10,608 regular NPA members ang na-neutralize at 41,000 underground members, mass supporters at sympathizers ang nag-withdraw ng suporta sa CPP-NPA-NDF.
Habang 4,644 miyembro ng local terrorist group ang na-neutralize sa kaparehong panahon.
Idineklara naman ang CPP-NPA bilang persona non grata sa 1,386 lungsod at munisipalidad at 31,254 barangay sa buong bansa.
Iginiit ni Faustino na ang tagumpay na ito ay hindi lamang sa DND at AFP ngunit sa tulong din ng iba pang ahensya at stakeholder sa pamamagitan ng whole-of-nation approach ng NTF-ELCAC.