Haechan ng NCT, nagbigay ng 50-M won para sa mga biktima ng Maui wildfire

Haechan ng NCT, nagbigay ng 50-M won para sa mga biktima ng Maui wildfire

NAGKAKAHALAGA ng 50-M won o katumbas ng 37,350 US dollars ang donasyon na ibinigay ni Haechan ng South Korean boy group na NCT para sa mga biktima ng Maui wildfire.

Sinabi ng chairman ng Korean Red Cross, ang ibinigay ni Haechan ay gagamitin para sa panunumbalik ng apektadong lugar sa Maui at pagbibigay suporta na rin sa anumang programa para sa mga biktima doon katuwang ang American Red Cross.

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagbigay ng donasyon ang K-pop singer.

Nauna na itong nagbigay ng 100-M won sa Fruit of Love Social Welfare Community Chest para naman sa recovery efforts ng mga nabiktima sa pinsalang hatid ng malawakang lindol sa Turkiye at Syria noong Pebrero 2023.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble