Halos 2M customer ng Meralco, apektado ng rotational brownout nitong Sabado

Halos 2M customer ng Meralco, apektado ng rotational brownout nitong Sabado

APEKTADO ang halos dalawang milyong customer ng Meralco sa ipinatupad na rotational brownout nitong Sabado, June 2, 2024.

Ayon kay Meralco spokesperson Joe R. Zaldarriaga, kailangang magpatupad ng rotational power interruption sa buong Luzon dahil sa malaking kakulangan ng suplay.

Isinailalim sa red alert ang Luzon grid mula ala-una ng hapon nitong Sabado hanggang alas-dose ng madaling araw ng linggo matapos pumalya ang ilang power plant.

Ito rin ang pamaraan upang pamahalaan ang kasalukuyang kondisyon ng system.

Kabilang sa service area ng Meralco na apektado ng brownout ay sa Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Bulacan, Pampanga at Quezon province.

Fully restored naman sa kasalukuyan ang lahat ng suplay sa nasabing mga lugar.

Follow SMNI NEWS on Twitter