AABOT na sa mahigit 40 milyong physical at digital version ng Philippine ID ang naipamahagi sa buong bansa.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), higit 22 milyon ang naipamahagi na Phil-ID habang higit 18.2 milyon naman ang e-Phil-ID.
Magugunita na layon ng PSA na makapag-isyu ng kabuoang 50 milyong physical at digital na national ID noong 2022 subalit 30 milyong physical ID cards at 20 milyong digital ID lamang ang kanilang naipamahagi.
Tiniyak naman ni National Statistician at Civil Registrar General Dennis Mapa na aasahan ang mas mabilis na serbisyo sa pamamahagi ng nasabing ID’s.
Ang Phil ID at e-PhilID ay may parehong functionality at validity at maaari itong gamitin sa iba’t ibang transaksyon sa gobyerno at pribadong mga establisyimento.