BIGONG maipanalo ni Olympics Champion Hidilyn Diaz ang bansa sa kaniyang 59 kilograms event nitong Oktubre 2 sa 19th Asian Games.
Bagama’t pilit na pinoprotektahan nito ang kaniyang pagiging Olympic gold medalist, hanggang fourth place lang ang inabot nito sa ASIAD.
Ang weightlifter mula North Korea ang nakasungkit ng gold medal na may kabuuang 246 kilograms na resulta sa kaniyang pinagsamang snatch at clean and jerk performance.
Ang weightlifter naman mula China ang sumunod na may kabuuang 240 kilograms habang weightlifter mula Taiwan ang nakasungkit ng bronze para sa kaniyang kabuuang 227 kilograms.
Si Diaz, nakuha lang niya ang kabuuang 223 kilograms mula sa kaniyang pinagsamang performance sa snatch at clean and jerk.
Inamin naman ni Diaz na tatlong linggo lang siyang nag-ensayo para dito sa mas mabigat na division.
Sa kabilang banda ay sasabak pa rin sa isang weightlifting event si Diaz sa IWF World Cup sa Qatar ngayong Disyembre at sa World Cup na gaganapin sa Thailand sa Abril 2024.