DETERMINADO ang kauna-unahang Filipino athlete na nanalo ng Olympic gold medal na makasali pa rin sa kanyang ika-5 Olympics sa Summer Games sa 2024 Paris Olympics.
Inihayag ni Diaz ang kanyang goal sa kalagitnaan ng annual awards night ng PhilSports Arena kung saan siya pinarangalan bilang Athlete of the Year sa ika-5 na pagkakataon.
Ayon kay Hidilyn, gagawin niya ang lahat upang makuhang muli ang gintong medalya sa Paris Olympics at umaasa aniya siyang makabalik siya sa Philippine Sportswriters Association (PSA) upang makuha ang kanyang ika-5 Athlete of the Year Award.
Bukod dito ay inihayag din ni Diaz na magtatapos na rin ito ngayong 2023 mula sa College of St. Benilde sa kanyang degree in Bachelor of Science in Business Administration (BSBA).
Si Hidilyn ay mayroong silver medal mula sa Rio Olympics 2016, gold medal mula Tokyo 2021, at Asian Games gold medal mula Jakarta 2018.
Mayroon din itong 2 gintong medalya mula sa Southeast Asian Games noong 2019 at 2022.