NAKATANGGAP ng educational assistance ang nasa 1,067 estudyante sa Quezon City.
Ayon sa city government, ang mga mag-aaral na kabilang sa pinakanangangailangang sektor ay nabigyan ng P3,000 mula sa lokal na pamahalaan.
Sumailalim naman ang mga ito sa masusing verification ng mga social worker ng Social Services Development Department (SSDD).
Pinangunahan ang pagbibigay ng education assistance ni Mayor Joy Belmonte kasama si SSDD OIC Rowena Macatao.