Higit 2.1-M indibidwal, nairehistro para sa barangay at SK elections – COMELEC

Higit 2.1-M indibidwal, nairehistro para sa barangay at SK elections – COMELEC

ISANG araw bago tuluyang magsara ang voter’s registration ng Commission on Elections (COMELEC) para sa isasagawang barangay at SK elections sa Disyembre ay nagbigay ng update ang komisyon sa kanilang naging operasyon.

Hanggang Hulyo 20, ang ika-15 araw ng voter’s registration para sa barangay at SK elections, iniulat ng COMELEC na lampas-lampas na ito sa projected target.

Sinabi ni COMELEC acting Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na umaabot na sa mahigit 2.1 million (2,119,878) ang mga nakapagrehistro na bagong botante.

Mula sa naturang bilang, umaabot sa higit 1.3 million (1,326,415) ang bagong nagparehistro na nasa edad 15-17.

Mahigit 680 thousand (680,497) naman ang new registrants na nasa edad 18-30.

Habang 112,966 lamang ang nakapag-register na bago sa edad 31 pataas.

“Noong una po, ang inaasahan lamang po natin based on historical records ay aabot lamang tayo humigit-kumulang isang milyong bagong magpapatala. Lumampas na po tayo doon at ngayon nga po nalampasan na rin natin iyong dalawang milyon ng pagpapatala po ng mga bagong botante,” ani Laudiangco.

Ibinahagi naman ni Laudiangco na dalawang batas ang pinagbabasehan at ipinatutupad ng COMELEC para sa nakatakdang halalan.

Kasama rito ang Republic Act 11462, base sa nakasaad dito itinakda ang halalan para sa barangay at SK Elections sa December 5, 2022.

Sa Republic Act 8189 o ang System of Continuing Registration naman, nagsasabi na 120 days bago ang eleksyon, bawal na magparehistro, bawal na gumawa ng bagong presinto at bawal na ring galawin ng COMELEC ang existing na presinto.

“So binilang po namin, December 5 – ano ‘yung 120 days at [garbled] po ito [garbled] kaya nga po ‘yung ating registration ay mula lamang sa July 4 hanggang July 23. Ang amin pong publication at posting ng mga bagong aplikante, [garbled] July 25. Ang last day din po ng pagsa-submit ng mga oppositions – tama po kayo, [garbled] kasing i-oppose ito dahil application lamang po ano. ‘Pag may nakita po iyong ating kababayan na disqualified [garbled], puwede pong i-oppose hanggang July 28 po ‘yan at ang ating election registration board hearing ay sa August 1,” ani Laudiangco.

Ang panahon ng pagpaparehistro ng botante ay tatagal hanggang bukas, Hulyo 23.

 

Follow SMNI News on Twitter