AABOT sa 27 loose firearms ang itinurn-over ng mga barangay chairperson ng 13 Special Geographic Area (SGA) barangays ng Midsayap at dalawang SGA barangays ng Aleosan, North Cotabato.
Ito’y bilang suporta sa Balik-Baril Program ng 34th Infantry Battalion (34IB) ng Philippine Army (PA).
Sinaksihan ni Midsayap Mayor Rolando Sacdalan ang pagturn-over sa mga armas na pinangasiwaan ng 34IB.
Kasabay rito, lumagda ang mga barangay chairperson sa pledge of commitment para sa mapayapa at maayos na pagsasagawa ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.
20 sa mga ibinabang armas ang inilagay sa kustodiya ng 34IB habang ang pitong iba pa ay itinurn-over sa Midsayap Municipal Police Station para sa proper disposition.
Tiniyak ni PA Commanding General Lieutenant General Roy Galido ang pinaigting na kampanya upang malinis ang mga komunidad sa posibleng karahasan at paglinaw ng election-related criminalities.