Higit 20-M turista sa Songkran Festival, inaasahan ng Thailand

Higit 20-M turista sa Songkran Festival, inaasahan ng Thailand

PINAGHAHANDAAN na ng pamahalaan ng Thailand ang nalalapit na pagdiriwang ng Songkran Festival na dadaluhan ng milyun-milyong turista.

Ayon kay Thailand Government Spokesman Anucha Burapachaisri, ipinag-utos na ni Thailand Prime Minister Prayut Chan-o-cha sa mga state agency sa bansa ang pagsasagawa ng grandeosong selebrasyon.

Paliwanag pa ng opisyal, may nakahandang programa ang pamahalaan sa ilalim ng pangangasiwa ng Tourism Authority of Thailand sa temang “Visit Thailand Year: amazing new chapters” kung saan maaaring mag-enjoy ang mga turista sa pagpili ng magagandang destinasyon sa Thailand.

Nakipag-ugnayan na rin ang Tourism Authority of Thailand sa 7 malalaking leading online platform sa buong mundo gaya ng Klook, Alipay, Agoda at Kkday sa isang joint marketing meeting upang mapalakas pa ang takbo ng turismo sa bansa.

Samantala, magaganap ang Songkran Festival mula Abril 13 – 15 ngayong taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter