Higit 20% ng mga sanggol underweight, 10% ng mag-aaral overweight—DOH

Higit 20% ng mga sanggol underweight, 10% ng mag-aaral overweight—DOH

INIHAYAG ni Department of Health (DOH)  Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tinatayang nasa 21.6% ng mga sanggol hanggang 23 buwan ay underweight, samantalang 10% naman ng mga batang mag-aaral ay overweight.

Iginiit ni Vergeire na ang child malnutrition at pagiging underweight ay problema na ng bansa ng ilang dekada at ibig sabihin ay walang masyadong nagbabago rito.

Dagdag ni Vergeire, matagal na ring gumagawa ng iba’t ibang estratehiya ang DOH upang masolusyunan ang ilang dekadang isyu gaya ng awareness campaign.

Hinimok din ni Vergeire ang mga magulang na bantayang maigi ang pagkaing kinokonsumo ng kanilang mga anak at siguraduhin ding mayroong physical activities ang mga ito.

Para naman aniya sa mga undernourished, mayroon silang dietary supplementation na ginagawa para matulungan ang mga ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter