Higit 200-K international passengers, dumating noong Pebrero

Higit 200-K international passengers, dumating noong Pebrero

PUMALO na sa mahigit 200,000 international passengers ang dumating sa Pilipinas matapos buksan ng bansa ang borders para sa leisure travel noong nakaraang buwan.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, mahigit 40% na pagtaas ng international arriving travelers ang naitala noong Pebrero kumpara noong Enero ngayong taon.

Iniulat ni Morente na tumaas sa 211,899 ang arriving passengers mula sa 150,740 lamang noong Enero.

Samantala, sinabi ni BI Port Operations Chief Carlos Capulong na sa nasabing bilang, 154,661 dito ay mga Pilipino.

Nasa 21,383 naman aniya ang dumating na mga American; 4,026 ay Canadians at 3,250 ay British.

Tiniyak naman ng BI Port Operation sa publiko na handa ang ahensya sa patuloy na pagdami ng mga biyahero sa mga paliparan at istasyon.

Follow SMNI News on Twitter