NAKATAKDANG dumating ngayong-araw ang nasa 391,950 doses ng bakunang Pfizer na binili ng Pilipinas.
Lulan ng Air Hong Kong Flight lD 456 ng bakunang Pfizer ay inaasahang lalapag ito alas 9:20 mamayang gabi sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa bilang ng mga bakunang darating mamayang gabi aabot na sa kabuang 70,091,290 doses ng bakuna kontra COVID-19 ang tinanggap na ng Pilipinas simula February 2021.
Una na ring sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque nasa mahigit 4 milyon o 44,361,285 doses na ang total vaccines administered na dumating sa bansa.
Sa bilang na ito, nasa 26.68% o mahigit dalawampung milyon o 20,583,580 ang fully vaccinated na.
Giit naman ng opisyal malapit na ang population protection sa Metro Manila.
Ito’y dahil sa mahigit labinlimang milyon o 15,466,087 ang total vaccines administered sa kalakhang Maynila.
Sa bilang na ito, nasa 72.43% o 7,081,010 ang fully vaccinated as of September 27, 2021.
Giit ni Roque na kapag nangyari itong population protection mababakunahan na ang 80%, makakapag hanapbuhay na ang karamihan sa mga ating mga kababayang pilipino, magbabalik-buhay at magiging masaya na ang Pasko ng mga Pilipino sa darating na Desyembre.