IPAPARATING ni Presidential Spokesperson Harry Roque kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isyu hinggil sa hindi naibigay na incentives noon kay Filipino Boxer Onyok Velasco.
Matatandaan na nakatakda sanang tumanggap si Velasco ng incentives na nagkakahalaga ng P2.5 million matapos nanalo ito ng silver medal sa 1996 Atlanta Olympics.
Subalit ang naturang incentives ay hindi kailanman natanggap ni Velasco.
Ayon kay Spokesperson Roque, isang malaking kapabayaan ang ginawa ng administrasyon noon nang nanalo si Velasco.
Dahil dito, ayon kay Roque, ipapakiusap niya ang isyu kay Pangulong Duterte at posibleng mai-check ang batas ukol dito at maibibigay na ang pabuya para sa 1996 Filipino Olympian.