MULING binigyang-diin ni House Speaker Martin Romualdez na may sapat na safeguards ang naipasa sa Mababang Kapulungan na Maharlika Investment Fund (MIF).
Isa aniya rito ang maisulong ang transparency sa anumang may kaugnayang pinansyal sa MIF.
Patunay pa rito ayon kay Romualdez ay ang pagkakaroon ng publiko ng karapatan na malaman ang lahat na anumang nais nitong impormasyon sa MIF.
Ilalagak din ang investment records ng Maharlika Investment Corporation (MIC) sa National Archives of the Philippines.
Ang 25% naman sa net profits ng MIC sa ilalim ng House Bill No. 6608 ay ilalaan para sa social welfare programs.
Naipasa sa Mababang Kapulungan ang panukalang nagsusulong sa Maharlika Fund nitong December 15 sa pamamagitan ng 279 affirmative votes at 6 negative votes.