NAKAUSAP ni House Speaker Martin Romualdez si Negros Oriental Representative Arnie Teves sa telephono, kung saan ibinahagi ni Teves ang dahilan kung bakit ayaw nitong bumalik ng bansa.
Sa kanilang pag-uusap sinabi ni Cong. Teves na, nabababahala ito para sa kanilang seguridad ng kanyang pamilya, oras na umwi ito ng bansa.
Kasabay nito, sinigurado naman ni Romualdez na, titiyakin niya ang kaligtasan ng lahat ng miyembro ng House of Representatives kung saan kasama dito si Teves.
Samantala, kinausap na rin ni Romualdez ang house sergeant-at-arms upang maisiguro ang seguridad ni Teves sa araw ng pagbabalik nito.
Pinaalalahanan naman ni Romualdez si Tevez na kinailangan parin nitong umuwi at mag-report kaagad sa Kongreso dahil wala na siyang awtoridad na bumiyahe sa labas ng bansa at gusto rin anilang marinig ang kanyang panig.