Housing units na hindi okupado ng beneficiaries, iminungkahing bawiin ng pamahalaan

Housing units na hindi okupado ng beneficiaries, iminungkahing bawiin ng pamahalaan

IMINUMUNGKAHI ni Pinuno Rep. Ivan Howard Guintu na mai-reclaim o kukunin muli ng pamahalaan ang housing units na nananatiling hindi okupado.

Aniya, libu-libong housing units ang nananatiling hindi okupado kahit matagal na itong nai-award sa mga benepisyaryo.

Sa datos, nasa 22,635 na housing units ang bakante hanggang Hunyo 2022.

Sinabi ni Guintu na dapat magkaroon ng panuntunan ang National Housing Authority (NHA) kung saan ang benepisyaryo ng isang housing unit ay ‘deserving’, ‘qualified’ at siguradong titira dito.

Sa kaniyang House Bill No. 9258, kung aabutin na ng isang taon at wala pa ring nakatira ay babawiin ito muli ng pamahalaan.

Maaari ding kunin ng pamahalaan ang isang housing unit kung ang nakatira dito ay hindi ang orihinal na benepisyaryo ng housing unit.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble