HRW, kinondena si Castillo dahil sa paghadlang sa freedom of expression

PINAGBINTANGAN ni José Miguel Vivanco, Director ng Human Rights Watch (HRW) si Peruvian President Pedro Castillo sa paghadlang sa freedom of expression ng media sa bansa.

Sa kanyang social media sinabi ni Vivanco Director ng HRW, na ang paggamit ng public resources nang nasa kapangyarihan laban sa mga kritiko nito ay nangangahulugan ng paghadlang sa freedom of expression.

Ito ay ukol sa pagkondena ni Peruvian President Pedro Castillo sa mga media outlets dahil sa pagkakalat ng video ng kanyang pagpunta sa Arequipa kung saan maririnig ang mga anti-castillo supporters na tinawag ito ng mga di magagandang pangalan at ang pagnanais nitong maimpeach ang Pangulo.

Sinabi ni Castillo na hindi ito sang-ayon sa ginawa ng media na nagpapakitang mag-isa lamang ito na nagtungo sa rehiyon at sinabing hindi umano sinasabi ng ilang media ang katotohanan.

Dagdag pa ng Pangulo na imbes na makatulong sa pag-unlad ng bansa ay umaasa umano ito na makakatanggap ng pera para lamang magsabi ng maganda para sa pamahalaan.

Nagsimula ang tensyon sa pagitan ng media at ng Pangulo noong tumatakbo pa lamang ito sa eleksyon kung saan tinawag na terorista si Castillo dahil may kinalaman umano ito sa rebeldeng grupo na shining path na mariing itinaggi naman ni Castillo.

SMNI NEWS