NAGYAYABANG ng boto ang ilang politiko ngunit wala naman nakakakilala sa kanila.
Ito ang inihayag ni former Senate President Juan Ponce Enrile sa programang Bayan ni Juan sa SMNI News.
“Maraming nagyayabang na marami silang boto pero ‘pag tinanong mo sila sa palengke kung kilala nila ‘yung sinasabi na lagpas-lagpas sa survey ang boto, wala namang nakakakilala,” sinabi ni Enrile.
Sa ngayon, abala si Mang Juan upang tulungan din ang kanyang anak na businesswoman na si Katrina Ponce Enrile sa pangangampanya nito bilang representante ng First District ng Cagayan kung saan pumupunta talaga ito sa mga ordinaryong tao.
“Nagpupunta sa mga barangay, sa mga palengke at nakikiusap, kinakausap ko ‘yung mga taumbayan. Hindi kami nagpupunta lang sa mga opisyales, sa mga gobernador, mga board member, vice governor, mga mayor, mga konsehales. Mismong doon sa mga taumbayan, pinupuntahan namin, mangingisda, farmers, workers, bystanders, tricycle drivers, kung anu-ano mga nagpapastol ng kalabaw, nagpapalaki ng mga baboy. ‘yun pinupuntahan namin,” dagdag pa ng dating senador.
Samantala, mahigit tatlumpong araw na lamang bago gawin ang May general elections.