Ika-9 na solo exhibit ng isang Navy Reserve Officer at sculpture artist sa bansa, binuksan sa PH Navy Museum, Cavite

Ika-9 na solo exhibit ng isang Navy Reserve Officer at sculpture artist sa bansa, binuksan sa PH Navy Museum, Cavite

MULING ipinamalas ng Navy Reserve Officer at sculpture artist na si Dr. Liz Villaseñor ang kaniyang mga obra sa Ika-9 Solo Exhibit nito na ginanap sa Fort San Felipe, Cavite City, Cavite.

Isa sa mga ipinakita ni Villaseñor ang bago niyang obra na pinamagatang “Headless Genuis”.

Sinisimbolo aniya nito ang koneksiyon ng isang tao sa mga nakukuha niyang kaalaman at mga kasanayan sa kaniyang kapaligiran na siyang susi sa pagkatuto para maging isang kapaki-pakinabang at maalam sa anumang larangan.

Dinaluhan ang exhibit ng mga kinatawan ng Army, Philippine Navy, Philippine National Police (PNP) at tagapagtaguyod ng sining at kultura sa Pilipinas.

Follow SMNI NEWS on Twitter