Sen. Tulfo, kinondena ang paulit-ulit na kapalpakan ng PNP sa pagsunod sa operational procedures

Sen. Tulfo, kinondena ang paulit-ulit na kapalpakan ng PNP sa pagsunod sa operational procedures

NAGHAIN si Senator Raffy Tulfo ng resolusyon na naglalayong imbestigahan ang mga napaulat na pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao ng ibang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na hindi sumusunod sa police operational procedures.

Sa kaniyang inihain na Senate Resolution (SR) No. 767, binanggit ni Tulfo ang ilang palpak na operasyon ng mga miyembro ng PNP, kabilang ang mga pulis ng Pandi, Bulacan at Rodriguez, Rizal.

Isa sa mga nabanggit niya ang insidente noong Agosto 12, 2023 kung saan pinasok ng Pandi, Bulacan PNP ang ari-arian ni Rodelio Vicente dahil nagsasagawa umano sila ng manhunt para sa isang alyas “Elmer.”

Si Vicente, humingi ng tulong kay Tulfo, ay dinala at inaresto ng PNP dahil sa umano’y kaso ng direct assault and disobedience to a person in authority kahit walang naipakitang warrant of arrest.

Giit ni Tulfo, ang nasabing mga pulis ay hindi nakasuot ng kanilang uniporme ngunit nakasuot sila ng ski mask sa nasabing manhunt operations.

Sinaktan pa nila ang babaeng anak ni Vicente.

Ang masaklap pa, pati ang lalakeng anak ni Vicente na binisita siya sa presinto ay pinakulong din ng PNP dahil sa umano’y paggawa ng direct assault at disobedience sa isang person in authority.

Follow SMNI NEWS on Twitter