Ikatlong araw ng ‘Bakunahang Bayan’ ng DOH sa Las Piñas City, pinangunahan ni OIC Vergeire

Ikatlong araw ng ‘Bakunahang Bayan’ ng DOH sa Las Piñas City, pinangunahan ni OIC Vergeire

PINANGUNAHAN ni DOH OIC Usec. Maria Rosario Vergeire ang ikatlong araw ng ‘Bakunahang Bayan’ ng DOH sa Almanza Health Center, Las Piñas City ngayong araw, Disyembre 7.

Katuwang ng DOH ang Metro Manila Center for Health Department (MMCHD) sa pangunguna naman ni Regional Director Gloria Balboa.

Layon ng aktibidad na mabakunahan ang natitirang kabataang nasa edad 5-11 na wala pang primary series.

Gayundin ang mga 12-17 taong gulang na wala pang booster shots at mga indibidwal na nakatakdang magpa-2nd booster, nakaliban ng primary o booster dose, partikular sa bahagi ng health and economic sectors.

Kasama rin sa naturang aktibidad sina Las Piñas Councilor Filemon “Peewee” Aguilar III, City Health Office OIC Dr Juliana Gonzales, Metropolitan Manila Development Authority COVID-19 Committee Chairperson Dr. Annabelle Ombina at mga lokal na opisyal ng lungsod.

Ang 3-araw na ‘Bakunahang Bayan: Biyayang Proteksyon sa Paskong Pilipino’ ay nagsimula noong Disyembre 5.

 

 

Follow SMNI News on Twitter