MAKARARANAS ng water interruption ang ilang bahagi ng Makati City, Pasig City, Taguig City at Antipolo sa Rizal Province ngayong araw.
Sa abiso ng Manila Water, may emergency repair at regular maintenance activities sa nabanggit na lugar mula 10 PM hanggang 4 AM bukas, Nobyembre 5.
Sa Makati, apektado ang ilang bahagi ng Brgy. La Paz habang sa East Rembo at Pembo sa Taguig.
Sa Pasig, apektado ang ilang bahagi ng Brgy. Malinao, San Jose, Bagong Katipunan, Santa Rosa, Umilang at Bambang.
Sa Antipolo, Rizal, apektado ang Brgy. Mayamot kabilang ang Summerville Subdivision, Oro Vista Royale, Far East Asia, Crestview, Lopez-Ville, Reyes Subdivision, Sierra Vista, La Unica Hija at Maria Corazon Subdivision.
Pinapayuhan ng Manila Water ang lahat ng apektadong costumer na mag-imbak na ng sapat na tubig upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan habang isinasagawa ang maintenance activities.
Follow SMNI News on Rumble