Ilang kongresista, ipinagmalaki ang mga nagawa ni Pangulong Duterte para sa bayan

IPINAGMALAKI ng ilang mga kongresista ang mga nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa bayan.

Sa programang POINT OF ORDER sa SMNI News ay ipinagmalaki ng ilang mambabatas ang mga nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa bayan.

Ito yung mga programa na sa tingin nila ay pinaka-nakinabang ang mga Pilipino.

Number 1 sa listahan ng mga programang ito ay ang maigting na kampanya kontra iligal na droga.

Na kung hindi natutukan ng Pangulo ay magiging mitsa para maging Narco-State ang Pilipinas.

“Syempre unang-una yung war against drugs. Despite sa mga batikos na natanggap ng ating Pangulo ang masasabi ko lang na first time nangyari sa ating bansa na nagkaroon tayo ng seryosong kampanya laban sa iligal na droga. Because no less than the President has made announcements at binanggit niya mismo kung sino yung mga people behind or people involved dito sa usapin sa iligal na droga. Nagbangggit siya ng narco general, narco prosecutor, narco politicians,’’ayon kay Rep. Robert “Ace” Barbers.

“Yes ako I agree no. For me the biggest legacy, especially coming from an area that was once touted as the drug capital of Eastern Visayas it’s really peace and order. Madali naman magsabi na mag-develop, tutulong but really peace and order is the foundation,”saad ni Rep. Lucy Torres- Gomez.

Disiplina naman para kay Congressman Mike Defensor ang pinaka-tumatak sa kanya na legasiya ng ating Pangulo.

“Infact it’s not only the actual crime but yung disiplina sa kalye, maraming nangyari noong araw na hindi karapat-dapat. So para sa akin, i think itong disiplina na’to kahit maraming tao na-appreciate nila yung nangyari dito sa drug war at yung disiplina ng marami nating mga mamamayan. We have to continue with that, hindi na pwede yung pa inom-inom sa kalye, pag-naglalakad ka, pag-nagtrabaho ka sa gabi maho-holdap ka, pagdating mo sa kalye dudukutan ka at maging sa kotse dudukutin ang cellphone mo. This has got to stop and I think President Duterte was able to accomplish that,”dagdag ni Rep. Mike Defensor.

Number 2 naman sa listahan nila ang Build-Build-Build Program ng pamahalaan na dapat maipagpatuloy ng susunod na administrasyon.

Bukod sa mga nabanggit, kauna-kaunahan sa lahat ng mga naging Pangulo ng Pilipinas na may task force na binuo laban sa CPP-NPA-NDF.

Ang NTF-ELCAC na ngayon ay binawasan ang pondo sa Senado ay nilalaban ng Pangulo na magkaroon ng malaking pondo sa 2022 para sa mga proyekto at programa sa mga barangay at mga liblib na lugar sa bansa na dating pugad ng CPP-NPA-NDF.

SMNI NEWS