Ilang larawan ng pamilya Degamo, mapa, ruta ng bahay, nakumpiska sa tauhan ni ex-Gov Henry Teves

Ilang larawan ng pamilya Degamo, mapa, ruta ng bahay, nakumpiska sa tauhan ni ex-Gov Henry Teves

BUKOD sa mga armas, mga bala at granada, nakuha rin ng mga awtoridad sa residensiya ni Nigel Electona ang ilang larawan ni Negros Oriental Governor Roel Degamo at pamilya nito, ruta ng bahay ng mga Degamo, mapa at maging ang gate ng pamilya.

Sa ilalim ito ng isinagawang follow up search warrant laban kay Electona, chief security officer ng HDJ Tolong, na una nang naaresto sa isinagawang raid ng PNP CIDG sa HDJ Tolong Caranoche Santa Catalina Negros Oriental na pagmamay-ari ni Negros Oriental ex-Governor Pryde Henry Teves.

Matatandaang nakuha sa nasabing compound ang iba’t ibang matataas na uri ng armas, mga bala, pampasabog at pera na nagkakahalaga ng mahigit 18 milyong piso.

Ayon sa inilabas na report ni Interior Secretary Benhur Abalos mula sa joint team ng AFP at PNP-CIDG, pinaniniwalaang ginamit ang mga larawan ng mga Degamo, ruta ng bahay nito sa pagpaplano sa karumal-dumal na pamamaslang kay Gov. Degamo.

Sa ngayon, ipinauubaya na lamang muna ng STG Degamo sa kamay ng Criminal Investigation and Detection Group ang pag-iimbestiga sa partisipasyon ni Electona sa krimen.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter